Hmmm.. Mahigit two weeks na yata ako hindi nakakapagpost.. At hindi ko tuloy nakwento about my V-day.. Hayy.. about that? Naku,, ang kulit ehh.. Kasi wala syempre ako ka-date.. Tapos nailang ako sumabay sa Tropang Onzhe dahil baka mainggit lang ako, kasi kamusta naman? halos lahat sa tropa may lover na.. Isa ako sa wala.. kaya un.. Ayaw ko sumabay.. hahaha! At saka lalo ko lang maaalala ung mahal ko.. Kaya un.. Pero unexpected naman kasi nakatanggap ako ng rose. Expected ko na wala ako matatanggap eh. Kaya nakakagulat.. hahah! Pero somehow grateful ako.. Kahit parang patapon ung rose.. haha!
Anyway, 21 ngayon.. hayy.. ito ang araw na wala na kami ng ex ko.. I mean 1 month na kaya malungkot para sa'ken.. haha! Ewan ko ba, I find it hard to move on. I find it hard to settle for another. Ewan ko ba, pero siguro tama lang naman kung ganito feeling ko. At least, wala ako gana pumasok sa isang relationship and para makapag-enjoy naman ako as single. hahah! Steady na lang ako, hihintayin ko na lang kung sino ang bagong darating. hehehe (meron ba ang tanong?)
There is this guy na dating nanliligaw sa'kin pero hindi ko alam kung ano dapat ko gawin kasi kahit anong sabi ko sa kanya na hindi ako interesado sa pakikipag-relasyon eh ayun, pursigido pa din na manligaw. Pero hindi ko alam kung ano ang totoo. Hindi ko kasi kayang paniwalaan siya co'z he is known to be a womanizer and well, na-turn off ako sa kanya kasi por que sinabi ko lang na wala pa ako FIRST KISS eh nako! tama bang sabihin na tuturuan niya ako humalik pag naging kami na? Jeez, I find it absurd kasi.. Pinayagan ko siya noon, kaso nga na-turn off kasi sa mga sinabi niya at sino ba hindi maiinis kung araw-araw na ginawa ng Diyos na magkausap kayo, wala siyang sinabi kundi "Kelan mo ba ako sasagutin?" araw-araw, oras-oras, minu-minuto.. at kulang na lang eh segu-segundo.. Sobrang nairita na kasi ako at saka sobrang kulit eh halatang hindi makapaghintay.. Kaya un.. Ewan ko hindi ko alam gagawin ko sa kanya..
At saka diniretso ko na siya na hindi ko pa kaya payagan siya manligaw kasi hindi pa ako over sa ex ko.. Sabi niya tutulungan niya daw ako makalimot.. Ang sabi ko hindi ko naman kailangan ng isang tao para makalimot eh, gusto ko makalimutan siya dahil sa hindi ako gumamit ng ibang tao kundi nagawa ko nang sarili lang.. At saka mukhang hindi talaga mabilisan ang pagmove on ko sa kanya.. Mukhang matagal-tagal pa. Kaya siguro kahit payagan ko siya, mawawala lang sa lahat ang effort niya sa panliligaw kung babagsak ako sa isang conclusion na mahal ko pa din ex ko. hahaha!
Ung ex ko naman, mahal na mahal ko.. haha! Sobrang importante siya sa buhay ko.. Grabe, siya yata buhay ko eh.. Kung alam niya lang.. Kaso iniiwasan ko siya ngayon, kahit sa chat lang naka-invi ako lagi para lang hindi kami magkausap.. Pag nag-online siya, nararamdaman ko pa din yung pain.. At somehow masaya ako knowing na ayos pa siya. hahaha! Hinihintay ko siya mag- out tapos out na din ako.. Iniisip ko nga kung sinu-sino ka-chat niya, Habang tinitingnan ung status niya at saka ung pic niya sa ym. Kuntento na ako tingnan na lang ung yahoo I.D. niya. hahah! Praning yata ako. Sa friendster naman, hindi ko matiis tingnan profile niya everytime I log my account (noon). Pero dahil sa mukhang makakasakit lang lalo sa'kin makita ang picture niya at profile niya sinabi ko na lang sa sarili ko na: "Jazel, wag na wag mo na i-view profile niya kung hindi.. masasaktan ka lang.." Kaya un.. Tapos mahilig ako tumingin sa
"who's viewed me" tapos makita ko lang siya.. Grabe, bigla na lang napifeel ko na parang hinahati puso ko.. hahah! Pati sa cellphone ko binura ko na number niya. Kasi makikita ko ung "xX.nick.Xx" sa contacts nasasaktan ako.. hahaha! Ewan ko ba sobra yatang malaki epekto ng lalaking yun sa buhay ko. hahah!
Pero dahil 1month na kami ngayon, ayun.. Kung anu-ano na naman bina-vandal ko sa libro ko.. haha! adik ako sa kanya ehh.. Halos lahat ng book ko pwera Geometry merong "i love you nick",
"Nicolai Raphael Casis", "nick", "nico", "i love you zobrah", "mahal na mahal kita", tapos ung mga chapters 15, 17 and 21.. puro nakalagay ung mga line sa lyrics ng mga dedicated ko para sa kanya nandun din.. Tapos syempre ung pangalan niya nandun lagi.. Hayy ewan ko ba sa kabaliwan ko sa kanya! Tapos may filler ako na sinusulatan ko for him.. You know just imagining na somehow or someday mababsa niya ung filler na un.. Pero ayaw ko mabasa niya ung una kong letter kasi puro may mura un eh.. Hahah! Galit na galit kasi ako sa mga lalaki sa mundo. Hahaha! Ewan ko! Ung post ko ngayon, ayun ang maganda.. haha! malungkot eh.
Ah basta, wala sa plano ko na ma-in love dahil hopelessly devoted ako kay Nicolai Raphael Casis ngayon.. hahaha! Basta someday makakalimutan ko din siya, Time will help me het through.
*******************************
English day kahapon (Jan. 20, 2007)
Grabe ang ganda ng presentation ng 4th year.. Moulin Rounge ang kanila.. Broadway contest kasi yun.. Kalaban namin 4th year. Gaya ng sabi ko Moulin Rounge sa kanila, sa'min naman Hunchback of Notre Dame.. haha! Ok lang yun sa'min kaso may blocking eh.. basta may ibang technical error. At saka 3days preparation lang yun.. Pero nakaka-bilib na din at proud naman ako para sa kapwa ko juniors kasi 3days lang yun eh.. At lalo naman sa director ng play namin si: Raymond Nhil Shappit. What if pa kung 1 month practice yun? Sure ako na may laban kami sa Seniors. Pero maganda talaga sa 4th year eh.. Napatulala nga ako sa presentation nila eh. hahaha! Wala lang, gusto ko lang i-share dahil nakakaloka ang week na 'to sa school. Masyadong HECTIC! hayy..
Anyway, out na ako.. hahahah!Labels: i am still so much in love with you
Underneath it all`