Finally, I already had the chance to tell to the one I love about what I really feel.. Hay it is so hard hiding what you truly feel. I was very afraid to tell him but then what I really feel had helped me true. I love him so much if only he knew.. haii.. ewan ko ba..
naiinis na ako..
sige..
ito muna..
bukas na ang matinong entry..Labels: i feel so lonely without you..
Underneath it all`
Wednesday, February 21, 2007
4:07 AM
Hmmm.. Mahigit two weeks na yata ako hindi nakakapagpost.. At hindi ko tuloy nakwento about my V-day.. Hayy.. about that? Naku,, ang kulit ehh.. Kasi wala syempre ako ka-date.. Tapos nailang ako sumabay sa Tropang Onzhe dahil baka mainggit lang ako, kasi kamusta naman? halos lahat sa tropa may lover na.. Isa ako sa wala.. kaya un.. Ayaw ko sumabay.. hahaha! At saka lalo ko lang maaalala ung mahal ko.. Kaya un.. Pero unexpected naman kasi nakatanggap ako ng rose. Expected ko na wala ako matatanggap eh. Kaya nakakagulat.. hahah! Pero somehow grateful ako.. Kahit parang patapon ung rose.. haha!
Anyway, 21 ngayon.. hayy.. ito ang araw na wala na kami ng ex ko.. I mean 1 month na kaya malungkot para sa'ken.. haha! Ewan ko ba, I find it hard to move on. I find it hard to settle for another. Ewan ko ba, pero siguro tama lang naman kung ganito feeling ko. At least, wala ako gana pumasok sa isang relationship and para makapag-enjoy naman ako as single. hahah! Steady na lang ako, hihintayin ko na lang kung sino ang bagong darating. hehehe (meron ba ang tanong?)
There is this guy na dating nanliligaw sa'kin pero hindi ko alam kung ano dapat ko gawin kasi kahit anong sabi ko sa kanya na hindi ako interesado sa pakikipag-relasyon eh ayun, pursigido pa din na manligaw. Pero hindi ko alam kung ano ang totoo. Hindi ko kasi kayang paniwalaan siya co'z he is known to be a womanizer and well, na-turn off ako sa kanya kasi por que sinabi ko lang na wala pa ako FIRST KISS eh nako! tama bang sabihin na tuturuan niya ako humalik pag naging kami na? Jeez, I find it absurd kasi.. Pinayagan ko siya noon, kaso nga na-turn off kasi sa mga sinabi niya at sino ba hindi maiinis kung araw-araw na ginawa ng Diyos na magkausap kayo, wala siyang sinabi kundi "Kelan mo ba ako sasagutin?" araw-araw, oras-oras, minu-minuto.. at kulang na lang eh segu-segundo.. Sobrang nairita na kasi ako at saka sobrang kulit eh halatang hindi makapaghintay.. Kaya un.. Ewan ko hindi ko alam gagawin ko sa kanya..
At saka diniretso ko na siya na hindi ko pa kaya payagan siya manligaw kasi hindi pa ako over sa ex ko.. Sabi niya tutulungan niya daw ako makalimot.. Ang sabi ko hindi ko naman kailangan ng isang tao para makalimot eh, gusto ko makalimutan siya dahil sa hindi ako gumamit ng ibang tao kundi nagawa ko nang sarili lang.. At saka mukhang hindi talaga mabilisan ang pagmove on ko sa kanya.. Mukhang matagal-tagal pa. Kaya siguro kahit payagan ko siya, mawawala lang sa lahat ang effort niya sa panliligaw kung babagsak ako sa isang conclusion na mahal ko pa din ex ko. hahaha!
Ung ex ko naman, mahal na mahal ko.. haha! Sobrang importante siya sa buhay ko.. Grabe, siya yata buhay ko eh.. Kung alam niya lang.. Kaso iniiwasan ko siya ngayon, kahit sa chat lang naka-invi ako lagi para lang hindi kami magkausap.. Pag nag-online siya, nararamdaman ko pa din yung pain.. At somehow masaya ako knowing na ayos pa siya. hahaha! Hinihintay ko siya mag- out tapos out na din ako.. Iniisip ko nga kung sinu-sino ka-chat niya, Habang tinitingnan ung status niya at saka ung pic niya sa ym. Kuntento na ako tingnan na lang ung yahoo I.D. niya. hahah! Praning yata ako. Sa friendster naman, hindi ko matiis tingnan profile niya everytime I log my account (noon). Pero dahil sa mukhang makakasakit lang lalo sa'kin makita ang picture niya at profile niya sinabi ko na lang sa sarili ko na: "Jazel, wag na wag mo na i-view profile niya kung hindi.. masasaktan ka lang.." Kaya un.. Tapos mahilig ako tumingin sa
"who's viewed me" tapos makita ko lang siya.. Grabe, bigla na lang napifeel ko na parang hinahati puso ko.. hahah! Pati sa cellphone ko binura ko na number niya. Kasi makikita ko ung "xX.nick.Xx" sa contacts nasasaktan ako.. hahaha! Ewan ko ba sobra yatang malaki epekto ng lalaking yun sa buhay ko. hahah!
Pero dahil 1month na kami ngayon, ayun.. Kung anu-ano na naman bina-vandal ko sa libro ko.. haha! adik ako sa kanya ehh.. Halos lahat ng book ko pwera Geometry merong "i love you nick",
"Nicolai Raphael Casis", "nick", "nico", "i love you zobrah", "mahal na mahal kita", tapos ung mga chapters 15, 17 and 21.. puro nakalagay ung mga line sa lyrics ng mga dedicated ko para sa kanya nandun din.. Tapos syempre ung pangalan niya nandun lagi.. Hayy ewan ko ba sa kabaliwan ko sa kanya! Tapos may filler ako na sinusulatan ko for him.. You know just imagining na somehow or someday mababsa niya ung filler na un.. Pero ayaw ko mabasa niya ung una kong letter kasi puro may mura un eh.. Hahah! Galit na galit kasi ako sa mga lalaki sa mundo. Hahaha! Ewan ko! Ung post ko ngayon, ayun ang maganda.. haha! malungkot eh.
Ah basta, wala sa plano ko na ma-in love dahil hopelessly devoted ako kay Nicolai Raphael Casis ngayon.. hahaha! Basta someday makakalimutan ko din siya, Time will help me het through.
*******************************
English day kahapon (Jan. 20, 2007)
Grabe ang ganda ng presentation ng 4th year.. Moulin Rounge ang kanila.. Broadway contest kasi yun.. Kalaban namin 4th year. Gaya ng sabi ko Moulin Rounge sa kanila, sa'min naman Hunchback of Notre Dame.. haha! Ok lang yun sa'min kaso may blocking eh.. basta may ibang technical error. At saka 3days preparation lang yun.. Pero nakaka-bilib na din at proud naman ako para sa kapwa ko juniors kasi 3days lang yun eh.. At lalo naman sa director ng play namin si: Raymond Nhil Shappit. What if pa kung 1 month practice yun? Sure ako na may laban kami sa Seniors. Pero maganda talaga sa 4th year eh.. Napatulala nga ako sa presentation nila eh. hahaha! Wala lang, gusto ko lang i-share dahil nakakaloka ang week na 'to sa school. Masyadong HECTIC! hayy..
Anyway, out na ako.. hahahah!Labels: i am still so much in love with you
Underneath it all`
Friday, February 09, 2007
2:30 AM
hayy naku.. grabe talaga ang sched. ko ngayon.. hahaha! pressured masyado sa school.. hahaha! syempre, gudgirl na ako.. kaya todo study mode na at syempre seryoso na sa pag-aaral.. hindi naman ako ganung kasama para hindi mag-aral ng mabuti syempre.. may pangarap yata ako.. hahah! hayy,, nag-POIS (Philippine Occupational Interest Survey) kami kanina, grabe.. most awaited ko nga yan ehh.. ewan ko ba.. excited na excited ako at saka medyo kabado na din dahil malapit na ako mag-college.. wow!! (can't wait!) hehehe.. Anyway nag-rereview na rin ako ng UPCAT.. hehehe.. ung MSA na libro nun.. wala lang.. gusto ko lang maka-experience ng test nila.. hahah! Hayy.. ngayon ko lang na-realize talaga na mahirap maging 3rd year.. Unlike nung 2nd year ako.. Medyo mahirap nga lalo na ung Biology namin kay Ms. Vargas (and butihin kong adviser) grabe.. kaloka talaga ung experiments dun ung sinulat ko siya dahil nawawala.. Grabe.. mangiyak-ngiyak nga ako nun ehh kasi parang hindi ko kakayanin matapos pero natapos ko siya awa ng diyos.. =) Ngayon namang 3rd year.. grabe kaloka...
Feb. 2, 2007 >> Friday >> Just My Luck..
Ito na yata ang araw na PINAKA"MASWERTE" ako! as in!! My God! Kasi naman ung Reaction Paper ko sa Chemistry at ung research ko kay Robert Browning ay naglaho na lang nang parang bula.. Kasi naman hindi ko napa-print dito sa bahay namin dahil ang printer namin ay may sapak.. at walang ink.. kaya balak ko sa school na lang.. ang kaso.. eh, wala akong time para magpapalit ng prepaid card na gagamitin para pambayad sa library instead of money kasi masyado pa ako inaasikaso sa ibang subjects.. hayy naku.. kaya sa labas na lang ako nagpaprint.. ang masakit nito ung diskette na pinagsave-an ko ng mga files ko.. Kailangan daw i-reformat.. Nung malaman ko un.. grabe, laglag na panga ko nun.. Syempre ang todo-seryoso ako sa paggawa nun.. Kahit na binatukan at sinabunutan ako ng mama ko dahil nagpapuyat na naman ako.. Kasi akala niya nagpi-friendster lang ako.. Umiiyak na nga ako habang ginagawa ko ung reaction paper kahit inumaga na ako sa paggawa ok lang sa'kin basta makagawa.. Pero dahil nga sa kailangan na i-reformat un diskette, hindi ako nakapagpasa.. Nasayang lang ang pagod ko at hinayaan ko na naman atakihin ako ng insomnia ko..
Pero ang pinakamasakit na yata sa lahat ay yung sa English ung research kay Robert Browning.. kasi nung una assignment lang ung pero 10 points.. somehow mabigat na sa'kin un.. sayang kasi ung naka-save at ung effort ko.. Kaso ung talagang nagpaiyak na sa'kin ay yung gawin pang quiz ni Ms. Navarro ung research.. Umiyak na talaga ako dun sa upuan ko kasi akala ni ms. lahat ng hindi nagpasa minamaliit lang ung pinagawa niya.. If only she would hear my story,, syempre diba? Ang sakit-sakit nun para sa'kin kasi sobrang sineryoso ko tapos ganun lang mangyayari.. I can't believe naka-zero ako sa quiz dahil lang sa hindi ako nagpasa.. and I guess it's not my fault totally.. ang sakit pala ng ganun noh? Sobrang sineryoso mo na tapos ganun lang nagyari, napunta sa wala.. Akala ko sa LOVE lang un nangyayari pero ang totoo pala, kahit siguro sa anong aspect sa life eh mae-experience mo yun..
** Ang pagtuloy-tuloy na dating ng swerte
Feb. 3, 2007 >> dahil sa hindi ako nakapasa ng Reaction Paper sa Chem eh balak ko i-submit sa adviser ko sa Monday.. dahil sa kailangan i-reformat ang diskette, may dalawang choices ako: una: i-reformat un pero barado na ung reaction paper ko.
pangalawa: i-transfer na lang ung back-up ng reaction paper sa ibang diskette..
Ang pinili ko syempre ay ung second choice.. Kasi madali na lang.. But that was I thought and I am wrong dahil nasira ang computer namin dahil sa mga laro at overused na dahil sa DSL connenction.. Masyadong na-adik ang mga kapatid ko sa larong online.. grabe.. kaya nasira siguro.. and because of that it left me with no choice.. Sinulat ko na lang siya.. tapos ang haba-haba pa kasi.. minimum of 300 words ang reaction paper,, tsktsktsk.. Saktong sangdamakmak na naman ung assignment namin sa Geometry.. grabe.. Napuyat na naman ako nun... pero awa ng diyos natanggap din..
Ang hirap-hirap ngayon talaga.. Sa Computer badtrip din kami kasi may thesis kaming ginagawa.. before feb. 28 dapat tapos na namin.. kamusta naman un?? ang hirap gawin kasi database.. hmmpp! Tapos hassle pa ung field demo sa feb. 23.. grabe! ang pangit-pangit ng ipe-present namin! Daig pa kami ng gradeschool.. kaasar!!
Nakakaloka na talaga.. grabe.. wala ako ma-say!! Hay,, miss ko na nga magblog eh, kaso busy lang talaga sa studies.. kaya hindi makapag-update..
**What I've learned,,
Aside from the fact that it is really hard being third year.. Natuto din ako magseryoso sa studies (AS IN, FINALLY).. Kasi happy-go-lucky lang naman ako sa studies eh.. Kung ano alam ko un lang.. bahala na si Batman afterwards.. Na-realize ko na hindi na pala talaga dapat lagi ganun ang attitude ko.. may times na dapat talaga seryoso.. At saka, kahit mahirap alam ko namang may makukuha ako dun.. kaya steady lang!! Kaya ko 'to.. hehehe.. mukhang napadami yata satsat ko.. oh siya!! baboo!! =)Labels: Missing someone
Underneath it all`
the D-e-v-o-t-e-e

sweet 16
01.10.91 b-date
Proud Josephian
wants to learn DRIVING

sarcastic emotional
lonesome meek
aspiring webdesigner
loves to sing
misunderstood
iyaking bata
Living the life
music & nature lover
can be a big-time liar
TACKLESS...
simple yet complicated
not your ordinary girl ayt?!

L- o- v- e- e
CuppyCake
Juice
GingerBread
PandaBear
net
Milk
secrets
Japanese Food
Cake
cam whore
Tiger
Bunny Slippers
sweetie cloud
Fruit Bowl
Float
Kitty Charmie
Sleeping
Writing Poems
Listening to Music
Wafer Sticks